Martes, Hunyo 19, 2012

Bak-bak Experience

BAK-BAK Experience



Bak-bak(visayan), Palaka(tagalog)

First Time, hindi ko alam ba't naisipan kong sumama sa mga kabataang papunta sa highway. Mangunguha daw sila ng Bak-bak. Eto namang si ako, na-curious agad. hindi ko naman alam na yung bak-bak eh "baki" pala o sa tagalog pa eh palaka.

Nakakadiri mang isipin, eh mali pala ang nasa isip ko. Ibang palaka pala yung naiisip kong nakakadiri. Itong palakang ito eh nakakain pala. Buti naman.


Kaya pala Bak-bak ang term nila, para ma-separate sa baki o yung palakang nakikita lang sa kalsada o sa canal (na nakakadiri kasi parang maraming kulugo)

Kasama ang iba pa pang kabataang tulad ko na first time din manguha ng bak-bak. Pumunta kami sa pinakamalapit na hardware at bumili ng nylon at taga(pamingwit)

Akalain mong pinagtawanan kami nung mga nanunguha ng bak-bak sa highway. at ang sabi "Hindi naman ginagamitan ng taga ang pagkuha ng bak-bak."

Eh kaya naman pala. Kelangan palang bumaba sa palayan at pumulot ng mga kuhol na magiging pain. 

Mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 11:30, sa awa ng Dios, wala akong nakuha. Yung mga kasama ko eh nakakuha na ng napakarami. Hanggang napagpasyahan na naming umuwi na. 


Lungkot at panghihinayang ang naramdaman ko. Iba kasi ang feeling ng makakuha ng kahit isa lang. 

Sa huling pagkakataon, sinubukan ko ulit. At..... BOOM... nakakuha na ako...

Kahit isa lang at least. Meron...